Saturday, February 12, 2005

Stations of the Cross

Kagabi ng 7:oo pm ay nagserve ako sa simbahan. Anniversary din ng pagkapari ni Fr. Bong Villalobos, so yun na nagserve na ako. Matagal bago matapos yung misa dahil madami pang pina salamatan si Fr. Bong. So after non nagdasal kami sa office ng Latin (lagi namin to ginagawa before and after serving) so yun. Tapos ay lumabas kme ng simbahan. Inabot sakin ang processional candles (eto yung malaking kandila na ginagamit sa mga prusisyon). naglakad na kme pababa ng 18th ave. Pagkatawid namin sa P. Tuazon nagmadali kme dahil madaming kotse ang naghihintay. Natuluan din ang sutana ko dito.
Nasa area 4 na kme at nagsimula na ang stations of the cross. Papunta na kame sa area 4 habang nagrorosary ang mga tao sa likod namin. Sa mga oras na ito, uhaw na uhaw na ako. As in gusto ko na uminom. Pero hindi!!! Tiniis ko uhaw ko. Nasa First station na kame. Nagdasal kame hanggang sa last station. 8:00pm nagsimula ang stations of the cross. At naatapos naman ng mga bandang 10:15pm. Walang pari habang nagiistations of the cross kaya si Kuya Dave nalang ang tumayo sa posisyon ng pari. Umuwi na kme.
Pagdating ko sa bahay, hindi muna ako kumain dahil Friday ngayon (fasting and abstinence).
Pumunta ako sa parents ko at nadatnan ko mom ko na nakayakap sa dad ko kaya pumasok sa isip ko na "siguro nagusap sila kaya nagbati na". So yun, naligo ako kagad para mawala ang pagod ko. Nagdasal ako hanggang sa makatulog ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home