Haaay! ang tao talaga!
Lumalapit lang sa Diyos pag may hinihingi.
Just an observation after the 9 days novena....
nung simbang gabi, punong puno ang simbahan, halos umabot na sa kalye ang mga tao sa sobrang dami.
Sa una, maiisip natin na nakakatuwa.
Sa una, maiisip natin na masaya.
Sa una, maiisip natin na nakakatouch.
pero sa totoo lang, pag inisip mo mabuti, hindi nakakatawa, masaya, o nakakatouch. Kundi, nakakalungkot isipin.
Dati, noong hindi pa pasko, ang konti ng nagsisimba. Hindi pa lalagpas ng sampo ang nagsisimba. At merong isang beses na nagserve ako, na wala talaga nagsimba. Pero tuloy parin ang misa kahit 3 lang kme ng pari, lector at ako.
Pero kita mo naman! nung nagimula ang simbang gabi. Halos bumuhos na ang mga tao sa simbahan. Napanood ko sa TV, gumawa sila ng survey, bakit daw ba gusto mabuo ang simbang gabi?
mga sagot ng mga tao:
Miss#1: Syempre! para matupad ang wish ko!
Miss#2: Sinamahan ko lang lola ko.
Kuya#1: May wish daw e! kaya nagsisimba ako!
Kuya#2: Para natupad ang wish ko ngayong pasko!
ANO BA YAN?
Bakit ganyan ang tao?!? Nagsisimba lang pag may hinihingi???
2 Comments:
Bakit nga ba ganun ang mga tao?
Sisimba lang kasi kailangan nila or sisimba lang kasi may ihihingi sila. ):
Ipagdasal nalang natin sila. Sana malaman ng lahat kung ano nga ba ang dahilan kung bakit sila nagsisimba.
Happy Christmas! (:
hmm kasi bata pa ako ung huli ako nagsimbang gabi...hehehe gnun talaga tao! hehe kung ano gus2 nila, gus2 nila nasa kanila agad! kahit ako ganun..boring na boring sa mass pero kung humingi ng bagay napakarami!! kahit naman ganun marami pa rin natupad sa mga gus2 ko!!ngayon medyo nakikinig na ako hehe!aun na cge!!.... hahaha ganun mga tao eh cguro naman magbabago pa un!!
Post a Comment
<< Home