Ice cream story
Simula noon ay araw araw na sya bumibili ng ice cream sa kanto ng eskwelahan nila. Naging suki sya ng mga nagbebenta ng ice cream. Araw araw bumubili sya, bago pumasok at pag uwian.
Pero isang araw pagkatapos nya bumili ng ice cream ay nahulog ang ice cream dahil sa sobrang diin ng pagka dila nya dito. Sabay sa pagkahulog ng ice cream ay nadumihan ang kanyang damit. Kaya nung pumasok sya sa classroom nila, pinipintasan sya ng mga kaklase nya. Natrauma sya sa mga pintas ng mga kaklase nya. Kaya simula noon ay hindi na sya kumakain ng ice cream.
Dumating na yung fair nila. Meron mga booths ng mga pagkain. Nakita nya ang isang booth na puro ice cream lang. Pero hindi sya bumili. Makalipas ang ilang oras, nasunog ang booth ng mga barbecue. Lumalaki na ang sunog. Pumasok sa isipan nya na, "kaylangan may gawin ako!". Kaya pumunta sya sa booth ng ice cream at kumuha ng madaming ice cream at itinapon ito sa nasusunog na booth.
Simula noon ay naging kilala na sya sa eskwelahan nila at kinilala na isang hero dahil sa kanyang ginawa ang mga paraan.
Marahil sa pag basa mo sa kwento ko ay natawa ka. Siguro sa unang basa mo ay nasabi mo na pangit, walang kwenta at non sense.
Pero kung mag rereflect ka at hahanapin mo ang lesson, makikita mo ang kagandahan ng kwento ko...
"Pero kuya! ano ba ang lesson?"
Lesson:
Ang buhay ay parang ice cream. Minsan nakukuha natin na magpasarap. Pero pag masyado natin pinipressure ang buhay natin, malalaglag ito. At sa pag laglag nito, sabay na nadudumihan ang katauhan natin. At kasabay din ang pag sira nito.
Pero sa buhay natin, kaya magbago. At sabay sa pagbago nito ang pagtulong sa kapwa. At kung minsan ang pagtulong natin na ito ay masosobra at hindi na naitin maiisip ang sarili natin at hindi natin namamalayan ay nakakatulong na pala tayo ng malaki sa ibang tao.
baka may mali ako na nasabi
baka meron kayong hindi sinasangayunan
baka meron kayong gusto sabihin
masama man o maganda, magcomment nalang po kayo. SALAMAT
0 Comments:
Post a Comment
<< Home