Healing... (my reflection for february 5)
Makikita din natin na si Kristo ay pumunta sa ibat ibang lugar para magpagaling ng mga tao na may sakit o kaya naman napapasukan ng Demonyo...
Ngyayon, sa panahon natin, meron ng simbahan... meron ding mga pari... at sinasabi nila na kahit sinong pari ay may karapatan na magpagaling...
Sa ibang relehiyon naman, meron ding mga nagpapagaling... merong yung mga hinahawakan ng mangangaral tapos hihimatayin!!! meron namang itutulak tapos malalaglag tapos iiyak... tapos sasabihin nila, "magaling na ako!"
dati nanood ako ng TV, sa kakalipat ko ng channel, napadaan ako sa channel na kung saan merong mangangaral na nagsasalita about the Gospel, ang mangangaral daw na ito ay nagpapagaling ng kahit anong sakit, gumagawa daw sya ng mga miracles... nakita ko sa tabi bg stage ay may mga tao na nakapila... pagakyat ng tao sa stage, hinawakan ni mangangaral ang tao sa ulo at biglang itinulak mula sa stage hanggang sa sahig... nagulat ako... at tinanong ko sa sarili ko..."ano yun? ang taas non a.. wala manlang na sumalo?" at mmya mya merong isang bata na nakawheel chair, may cast ang bata na ito sa paa, at lumapit ang mangangaral at hinawakan ang cast na ito at inalog... habang nagdadasal.. again, tinanong ko sa sarili ko, "ano yon? pilay na nga, inalog pa ang paa? sakit non a!"
then few moments later, kinlose up sa camera yung babae na tinulak ng mangangaral mula sa stage hanggang sa lupa... umiiyak ang babaeng ito... nagulat ako sa mga napanood ko... pero ang tatay ko ay tumabi sakin at sinabi, "alam mo ba kung bakit umiiyak sya?" sumagot ako ng, "bakit nga ba?"... sabi nya, "ikaw ba naman itulak ko sa stage na ganon ka taas, di ka ba naman umiyak?".... tumawa nlng kme ng dad ko.....
then nagreflect ako... narealize ko na kung ang Holy Spirit ay nasa sayo... di ka masasaktan, saksakin ka man, pero pag ang Holy Spirit ay nsa saiyo, wala kang mararamdaman...
pain will not be felt if God is with you
0 Comments:
Post a Comment
<< Home