Thursday, March 23, 2006

Another Issue... :(

I love Jesus with all my heart and I am willing to offer my whole life for Him. But few days ago, that love was tested. Somehow, a Special Minister of the Holy Communion (SMHC) was irritated by my actions.

Kase ganito yun, sunday mass yun e. E communion na, kaya kumuha ako ng communion plate sa credence table (like we usually do) tapos bumaba ako at pumunta sa isang SMHC at dun ako nagcommunion plate. Then, irritably, sinabi nya sakin, "umakyat ka na sa altar, di ka kailangan, ako na bahala" - I was very frustrated with that dude, nagmamarunong kase (isa sa mga bagay na ayaw ko sa isang tao ay nagmamarunong). Di ko sya sinunod sa utos nya na umakyat nalang ako. Instead, nagpatuloy parin ako sa pagcocommunion plate. To be really honest, sometimes may topak ang SMHC samin. Madalas nagmamarunong, madalas pinapagalitan kameng mga Altar Servers kahit sila naman ang may mali. Di na nga namin pinapatulan e.

Nung sinabi sakin ng SMHC yun, di na ako sumagot kase, pag sumagot ako, ang dating sakanya non, bastos. If I answered him, my words for him will be very rude. As parents say, "wag sasagot sa nakakatanda"

Pero at that point, parang gusto ko siya sagutin. Nahihiya nga lang ako dahil hawak hawak nya si Kristo that time. Pero sayang! di ko sya nasagot.

Let me first recall the relevance of a communion plate, ang communion plate ay isang banal na bagay na ginagamit para icatch yung mga small particles ng Blessed Sacrament. Isipin mo nalang kung wala yung communion plate, lilipad lipad nalang yung mga mumu ng Blessed Sacrament sa ere. Naisip kaya ito ng SMHC na yon? o nagmarunong nanaman siya?

Sa totoo lang, kaming mga altar servers, patang pata na sa mga reklamo ng mga SMHC ng parish namin. Di lang namin sila pinapatulan. Lagi sila nagrereklamo samin, pero kung tutuusin, mas madami pa silang mga mali na di lang narereklamo. Minsan natatanong ko, "bakit ganun ang SMHC namin?" kase yung ibang SMHC ng ibang parish di naman ganun e. Kaya kung sino man ang SMHC ng parish namin na makakabasa nito, eto lang masasabi ko...

Wag nyo kameng subukan. Marahil mga bata kame, pero pagdating sa Diyos, di nasusunod ang edad. Di porket mga matatanda kayo, alam nyo na lahat. Wag nyo kame subukan. Dahil ako mismo magsusulat ng letter sa Obispo, Parish Priest, PPC o kaya Worship Ministry regarding sa ugali ninyo... O kaya naman, isusumbong ko kayo directly sa Tatay ko.... ;)

Haay... I'll pray for the change of the Special Ministers of the Holy Communion of our parish....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home