Minsan lang ako magtagalog kaya basahin nyo na...
Merong pari na bading na gumagawa ng kababalaghan (sexual) within the Ministry where I belong (altar servers)... merong din naman na isang tao sa ministry namin na ayaw ako mangumpisal sa bading na pari na yan, dahil daw baka pati daw ako mabiktima an manyakin nga pari na yon, e nangumpisal ako, tapos nagalit sakin dahil nangumpisal ako sa bading na pari na yan --- yan yung 2nd issue
Nagtaxi ako kasama ang kinakapatid ko papunta samin. Nagpadagdag ang taxi driver ng 50 pesos dahil mahirap daw ang magmaneho sa subdivision namin at madami pa daw na pasikot sikot... kaya dinagdagan ko yung driver ng 50 pesos. Nalaman ito ng isang tao na taga simbahan at sinabi, "ang tanga mo, palibhasa mayaman ka kaya binigyan mo nalang ng 50 yung driver" --- yan yung 3rd issue
Merong isang tao sa simbahan na sumabay samin na magserve sa 10am mass. Pagkatapos ng misa, sinabihan ako na bumalik mamayang 7pm ng gabi para sa isang high-mass. E di ako pumunta--- yan yung 4th issue
Yan ang apat na issue na gusto ko sagutin. Kaya uumpisahan ko na
1st issue issue
Kaya pumunta at natulog ang kinakapatid ko sa bahay namin dahil nung isang linggo ako natulog sakanila at para magpaturo sa tatay ko kung pano gumawa ng pasta na masarap (magaling kase magluto tatay ko e) Kung gusto mo matulog samin or pumunta samin, magantay ka! bakit? kung pipila ka sa MRT, sisingit ka nalang ba basta basta ng ganun ganun nalang? syempre hindi no! dahil kung sumingit ka, magagalit sayo mga tao. kaya dapat magantay... Patience is a virtue ika nga.
2nd issue
Ang pari hindi perpekto, tao parin yan na makasalanan at nagkakamali. Kahit ang santo papa, tao pa rin yan na nagkakamali at hindi perpekto. Pero para sakin, ang pari ay hindi na pari kung may suot na stole (eto yung mahaba na tela na sinusuot ng mga pari, simbulo ito ng karapatan nila to perform the sacraments)... ang pari ay si Kristo pag nakita mo na may suot na stola... kaya kung ang pari na yon bading at gumagawa ng kababalaghan na sexual, para sakin si Kristo na yon kung may suot na stola (my opinion lang)... ang pari na yon kahit ganon sya, he still received the sacrament of Holy Orders, which gives him the right to perform other sacraments. Hence, having the right of performing the Sacrament of Reconciliation.
You said to me before na wag na ako mangumpisal sa pari na yon, because that priest is not that loyal to his vocation as a priest. Pero pag nangngungumpisal ka, diba habol mo naman na mapatawad yung mga kasalanan mo? kung talagang nagsisisi ka sa mga kasalanan mo, para sayo di na importante kung kanino ka nangungumpisal, ang importante napapatawad ang mga kasalanan mo dahil sa nangumpisal ka. At meron pa, sinabi mo sakin, "dinidibdib ng pari na yan ang mga kinukumpisal sakanya, kaya wag ka na mangumpisal sakanya"... Eto lang masasabi ko, wala pang MALALA pinakikita yung pari na yon na may interes xa sakin, at isa pa, hindi lang naman ako ang target nya e, sa pagkakaalam ko, 5 tayo na target ng pari na yan. And bago pa ako nagsimula mangumpisal sakanya, ganon na trato nya sa akin at sa ibang altar servers na type nya. Di naman sa ipinagtatanggol ko ang pari na yan, sinasabi ko lang opinion ko. Alam ko na nagaalala ka sakin at natatakot sa kung ano man ang gawin sakin ng pari na yan. Pero sana naman na maintindihan mo na nangungumpisal ako dahil gusto ko mapatawad kasalanan ko at hindi para makilala ang pari.
3rd issue
Palibahasa wala kang apat na anak at ang asawa labandera lang. Sa taxi, sa harap ako umupo. Nakita ko sa gilid ng manibela ang isang picture na kung saan ang taxi driver at ang buong pamilya nya kumakain dahil birthday ng anak nya. Tinanong ko sya, "pamilya nyo po?" sabi nya, "oo" at sabi ko naman, "sweet nyo naman magpamilya" Ngumiti sya at tumawa, kinwento nya sakin kung paano sila nabubuhay, nagtataxi lang xa at yung asawa nya labandera lang. Apat anak nya, yung dalawa ay elementary palang, habang yung isa high school at yung isa naman tumigil na dahil walang pangtuition sa college. Nagiipon daw sya at nagsisikap para makapagaral yung anak nya sa college pero mahirap daw buhay. 30 lang talaga ang hinihingi nya na dagdag e, ginawa ko nalang na 50 kase naawa ako.
Alam mo, kung gusto mo talaga makatulong sa kapwa mo, tutulungan mo, mayaman ka o mahirap. Di naman pwede sabihin na, "ay mahirap lang din ako, sori a di kita matutulungan"... kahit ang pinakamahirap may maitutulong sa kapwa nila mahihirap.
Kung masasabi mo na TANGA ako dahil dinagdagan ko ang taxi driver ng higit pa sa hinihingi nya, pag may pagkakataon na ganyan, sana naman wag lang ang sarili ang isipin. Isipin mo na kahit mahirap ka, may maitutulong ka. Si Mother Teresa of Calcutta, mayaman ba sya? hindi sya mayaman pero patuloy pa rin nya tinutulungan ang mga tao na naghihirap.
4th issue
una sa lahat, di na kame sa Cubao nakatira, alam mo yon, at malayo na ang bahay namin sa simbahan na kung saan ako naglilinkod. Kaya hindi madali para sakin ang magcommute mula Marikina hanggang Cubao. Sinabi mo sakin, "lakas ng loob mo nag magpatulog sa bahay mo, pero magserve mamaya di mo kaya?"...ano connection ng pagtutulog sa bahay namin ng kinakapatid ko, sa pagseserve ng high mass??? parang ang layo?.... so anyway, sabi mo 7pm ang high mass, e ano oras matatapos ang misa? most probably mga 1 and a half hour siguro yan. Anong oras na yon? 8:30pm? e hanggang 8 pm lang ang jeep samin, pano ako makakauwi? think naman!
At isa pa, inutos ng parish priest natin na wala na daw high mass na mangyayari. E bakit tayo mag ha-high mass? Inaamin ko na di ko gusto ang utos ng parish priest natin na wala nang high mass, pero sana naman, respetuhin natin ang utos nya. Wag sana tayo maging pasaway. Sabi ni Mother Teresa, "the first degree to holiness is obedience without delay" pano tayo magiging banal kung ang utos ng pari na walang high mass, ay di natin masunod?
--------------------------------------------------------
4 na 'issue' palang ang nangyayari, at sigurado ako na dadagdag pa. Wala akong kinakapmpihan o pinoprotektahan sa 2nd issue.
Siguro maiisip nyo na napaka immature ko dahil kailangan ko pa talaga ipost dito sa blog ang mga ito samantalang pwede ko naman kausapin ang mga tao na pinapatamaan ko. Ginawa ko ito para sa kung sino man ang makakabasa, ay magcocomment at para marinig ko ang opinyon ng tao na yon.
Para naman sa tao na tinamaan, dati na ako nagalit sayo pero ngayon ok na, so don't give me a another reason to get mad at you. Di ako galit sayo, pero sa mga ginagawa mo, pinapakita mo, at sinasabi mo, parang binibigyan mo ako ng dahilan para magalit sayo. So please, don't let my patience reach its limit. Make a comment as your reply.
Para naman sa mga ibang tao na sinipag basahin itong mahabang post na ito, alam ko na may mali ako, kaya kung pwede, tulungan nyo ako na hanapin ang mga ito para maimprove ang sarili ko. Tnx.
And there's one thing that you need to know about my personality. Ayoko sa mga taong, 'parinig type' yung tipong paparinggan ka para makuha kung ano gusto nila. Yung type na, paparinggan ka then sabay pinakokonsciensya ka... isa yan sa mga type ng tao na ayaw ko...
7 Comments:
Dearest Young Saint, I am Fr. Joseph. Hmmm. Siguro hindi mo naintindihan kung sino man yun ang nagpaparinig sa'yo kasi he walang taong gagawa niyan at walang taong may tibay na loob na sabihan ka ng ganyan kungdi ang taong nagmamahal sa'yo. Ako sasabihin ko, tama din siya kahit konti, siguro ang mali lang niya is... ang kanyang approach, but for me that move is a martyr's move ikanga. walang masama sa ginawa niya, wala ring sigurong masama sa ginawa mo, yun nga lang (don't be offended) parang may sama ng loob ka sa kanya. Tama ba? Why not call him at once, tell him your post and talk to him. I know he will understands. Ginawa nga niya ang mga yan because of Love, sure ako na chicken lang ang makinig at umintindi sa kanya. Isa pa, you want to become a Saint, a saint needs inspiration and Spiritual Directors, I think he is a good one. Isa pa, with that pari issue, meron talagang ibang pari na ganun. Wag kang mabibigla. Sa Diocese namin maraming ganyan. Kita mo, inilalayo ka niya sa masama? Siguro ito lang ang advice ko not as a priest but as concerned brother or Father... Change your post make it a little inspiration not warful. A little editing I think or erasing will be better and talk to him personally. What I think is this, mahal ka niya, ayaw ka lang niya mapahamak. What the world needs is Love, love that knows how to sacrifice. Read Deus Caritas Est, the Pope said it. I think that "stupid" or "arrogant" person you are telling has read that Letter of the Pope. Tandaan, ang mga nagmamahal ng totoo ngayon, sa mata ng tao ay masama, tanga, pakialamero at higit sa lahat ay... GAGO (sorry for using the word but its true). Ikaw, did you made that move of loving and sacrificing? Sure ako you can do it to. Make your first move by calling him at once... talk to him... erase this "un-love" posts and tell him what you feel. Of course have the heart of listening and reflecting. I know you can do it! Ikaw pa! Saint ka diba? Saints must listen always. Basta, love him because he loves you so much. Care and understand him because he cares and understands you. Listen to him for he listens to you. Talk to him for he talks to you. What the world needs is JUSTICE and PATIENCE. Hmmm... Mother Teresa said that in a world where poverty rules, one must stand and say "HOY! MALI ANG MGA GINAGAWA N'YO! MARAMING NAGHIHIRAP NA TAO!" (Siyempre sa English yun noh). What I say is this mas meron pang poorest of the poor, tinutulungan mo nga poor. Pero ,may mas poor diyan. Yun ang point niya. Yun din dapat ang point mo. Hmmm... siguro Saint din yun taong pinagagalitan mo. A Saint with a brave heart! You too must have that heart. Heart that is ready to shout what the world needs and what's happening around us. Kung confession lang ito (joke!) ang penance na ibibigay ko sa'yo ay ito: Talk to him, love him, care him, most of all HELP him. Tulungan mo siya baka matulungan ka niya, ay mali, tinutulungan ka na pala! It's your time naman. Isa pa palang pahabol, Obedience must not be in a priest. I remember in my seminary, kasi ako'y naging liturgist ng seminary sa Leyte. Ganun yung rector namin. Tamad mag high mass. What I did is this, "MY OBEDIENCE IS TO GOD! TO THE CHURCH! TO THE POPE! TO MY BISHOP AND TO THE LAWS AND MAGISTERIUM OF THE ROMAN CATHOLIC CHURCH!" That is my stand, and my Bishop applaused for me because of that. Bakit? Kasi may ibang pari, they thought na tama sila, banal sila at marunong sila. Eh baka nga sila ang hindi updated ikanga. Tanungin mo ang mga paring yun baka mamaya di pa nila alam na may Deus Caritas Est na. Hehehe. Hayyy... Hirap ng buhay noh? Sus! Wag kang susuko, nasayo ang Diyos! Kapiling mo ang Diyos! Hindi siya Espiritu! Siya'y Buhay ngayon! Oo ngayon! Buhay siya sa kapwa mo. Baka mamaya nasa friend mo na galit ka. Naku lagot ka. hehehe. Basta Yun ang ma-aadvise ko. Thank you for reading and I love your blog! Continue it! alisin mo lang ito kasi may ibang tao alam mo naman... Basta, kaya mo yan! God bless you!
I'm very impressed!
You are such a wonderful guy. At your age, bihara ang may ganyang level of interest sa mga bagay pang-langit.
God bless you. Keep on loving the Lord.
To Fr. Joseph
Thank you po dahil meron kayong time para magbasa at lectionan ako... Believe me, it helped.
I would like to apologize cause i may not grant your wish to delete or to edit the post. You see, when i created this blog, I made a covenant to myself that I will not delete a post once published because this blog is not only a place for my reflections, feelings and thoughts, but a 'record' of my mistakes and corrections to my post. Sori ulit. and plis understand (",)
Gagawa nalang po ako ng panibagong post na kung saan yung mga sinabi ko sa post na ito ay maitama or rather, maimprove....
Tnx po ulit... :)
diego, hindi pa ako pari pero gusto kong susugan yung mga una mo nang punto. tama ka nung sinabi mo na 'yung pari kahit bakla ay pari pa rin. kapag nagko-confess ka, hindi sa pagkatao o personalidad niya ka nagko-confess kundi kay Kristo mismo. Kahit siya pa ang pinakamakasalanang pari, pag lumapit ka sa kanya para humingi ng tawad hindi nawawalan ng bisa ang kumpisal mo. Ex opere operata ang tawag sa turong ito ng simbahan. In lay man's term, ang biyaya ng Diyos ay gumagana kahit ang pinagdadaluyan nito ay makasalanan.
Pangalawa, ecclesia supplet. Ibig sabihin nito ang Simbahan ang pumupuno sa anumang pagkukulang ng kaniyang ministro. Hindi perpekto ang mga pari, madre, o seminarista (kahit na ang Santo Papa), subalit dahil nilulukuban ng Banal na Espiritu ang Simbahan, nagkakaloob ito ng biyayang pumupuno sa pagkukulang ng kaniyang mga alagad.
Ang mahalaga sa pangungumpisal ay yung taos-puso mong pagbabalik sa Diyos at hindi kung sino ang tumatanggap/nakikinig ng kumpisal mo.
Pangatlo ang pari ay tinatawag ding Alter Christus, kinatawan ng ating Panginoon sa lupa. Kaya kung nagkukumpisal ka talaga, sa Kanya ka , nagsasabi ng iyong mga kasalanan.
mabuti kang bata at nakikita ko na maisasakatuparan mo ang iyong pangarap sa pakikipagtulungan sa Kanya.
Good luck and God bless!
Hello Dear Young Saint... Nakausap mo na ba siya? Thanks for replying with my letter. Alam mo I have a friend may problem din siya na taga Quezon City, I don't know, pareho kayo ng problem. But you know, what's important is you seek for him. And di ko naman pinadedelete sa'yo ang blog, you post ay iedit mo ng konti kasi kawawa naman yun guy na minimention mo, diba mga jesuits? agree with me? Basta what you do is talk to him heart to heart. Makikinig yun sa'yo sure ako. Isa pa pala, he did it for you because of love. Love mo ba siya? alam kong may konting love diyan sa heart mo for him. Hmmm... Idol mo siguro yan noh kaya ka nasaktan o nagalit? O kaya, there is a special place for him in your heart? Basta, be a Saint for him, naku baka mamaya depress na siya. Kawawa naman, diba you want to be a Saint? Pray for him, comfort him and most of all talk to him habang buhay pa siya. Habang nandiyan siya. I'll pray for you. Sa mga jesuit friends please help me pray for both of them. Thanks! See you! Sana pagbalik ko galing Rome Ok na kayo. Mamayang gabi, tawagan mo, I'm sure you will be blessed! You will be rewarded! God bless you Young Saint!!!
Dear Paring Joseph,
Your intentions may be good but as regards the means on how to achieve it, I am apprehensive. By the looks of it, you are really bent on making Diego talk to the person he had a misunderstanding with. That's very Christian but may be counter-productive during this time. Why not allow the boy some space to realize his mistakes? Would a space of a few days or weeks really hurt? Why the need to rush things? This gives Diego the idea that you may know the person he is referring with personally. Or you may have other interests aside from their pagkakasundong muli.
As a priest, I do not doubt your motives but as a third party who is so interested in "repairing" the relationship, your suggestion might not be sound.
And besides, aren't priests trained to hear and give advice to people but not actually insist on giving a prescription? After all, this is not a confession matter and the boy is not in the sacrament of confession. Which brings me to my last point, you may not really be a priest but masquerading as one to cloak your motives with an air of authority and authenticity.
I may be wrong, but then again, please let the boy make his own discernment without putting to much pressure on him.
To all....
Ano ba po yung mga ginawa ko na mali... alam ko po na meron... pero plis be specific....
tnx....
Post a Comment
<< Home