Monday, December 22, 2008

Nang pasko ay sumapit


Naranasan mo na ba ang malapitan ng isang kawawa, madungis, at mabahong bata na umaawit ng isang himig pang-pasko at hinihingan ka ng kakaunting barya? Tila iyan ang aking nararanasan tuwing tuwing buwan ng Disyembre mula noong natuto akong bumiyahe sa pamamagitan ng pagsakay ng mga jeep.

Sa inaraw-araw na paglalakad ko sa mga kalye ng Maynila ay nararanasan ko mahingan ng barya ng isang madusing bata na may kaawaawang muka. Sa tingin niyo, ano kaya kalagayan ng mga pasko nila?

Ang selebrasyon tuwing pasko ayon sa kultura ng mga Pilipino ay isang selebrasyon na kung saan kumpleto ang pamilya at sama-sama silang kumakain at nagsasaya. Ito rin ang ipinapahayag ng mga patalastas sa telebisyon. Sa madaling salita, masaya at kaayaaya ang pasko ng isang pamilyang Pilipino, iyan ang ating nakikita at nababalitaan natin kapag nagkakatanungan, "kamusta ang pasko mo, kaibigan?"

Sa ating kultura, kailangan maghanda ng masasarap na pagkain tuwing pasko. Subalit, paano naman ang mga kababayan natin na walang makain? Paano na lamang ang pasko nila? Natutupad parin ba ang tradisyon natin tuwing pasko sa mga taong naghihirap at nagdurusa?

Magagawa mo bang yakapin ang isang madusing na bata at sabihan siyang, "maligayang pasko!"? o patuloy tayong magiging bulag sa tuwing masisilayan natin sila?

Maligayang Pasko sa inyong lahat!


Gusto ko pasalamatan si Igoy, ang batang walang saplot sa itaas na kumanta sakin ng "Nang pasko ay sumapit" habang nag-aantay ako sa aking kaibigan sa may Sta. Mesa. Siya ang nagbukas ng pikit kong mata sa katotohanan na madaming nalulungkot at naghihirap kahit na pasko.

3 Comments:

Blogger Mike Gallego said...

i challenged myself to walk alone from our house here in plainview to the city hall, which is about kilometers away.

the experience felt like the first time i rode a jeepney. i saw different people. from beggars to millionaires. well not exactly.

i brought with me P107 pesos.
since it's Xmas, P100 to buy food for the poor children that i would encounter. P7 for the jeepney going home.

near my destination, 3 rugby kids approached me. one of them told me, "kuya, pengeng lima." the other kid responded, "kuya ibibili lang niya yan ng rugby. ayun nalang puto!" (pointing to the kutsinta and bibingka vendor)

"tamang-tama naman o." sabi ko sa sarili ko. i bought them mga P100-worth na food. when i had given it to them, i noticed they were not eating it. so i asked, "di niyo naman kinakain eh, kayo ah" later on i found out that they wanted to share it with their whole family. "wow," i told myself.

i continued walking. later on, i saw some teenagers who seemed to be drug addicts. they were all looking at me, then i started to feel nervous. they ran in the direction where i was. luckily there was a jeepney who passed by in front of me.. sumakay ako.. then sabi nung isang lalaki na mukang adik "HOY bumalik ka dito! pengeng puto!"

lol haha.. when i was in the jeepney, i felt like laughing to death. :))=))

scared ako. lawl.. nakakatakot talaga ang paligid. hindi safe. waah

the end.

1:28 AM  
Blogger Mike Gallego said...

haha haba ng kuwento ko.. puwede nang blog entry... kanina lang yun nangyari actually. :)

anyway masaya talaga dito sa blog mo, dahil puro katotohanan lang mababasa mo at wala kang mga inhibitions. in a way, nakaka-impluwensya siya ng mga mambabasa na maging mas mulat din sa mundo at mas maging realistic sa kanilang mga sarili.

minsan, sa mga bagay na meron tayo, nakakalimutan pa natin magpasalamat at nakukuha pa nating magreklamo. bihira natin maisip na marami ang nangangailangan ng mga bagay na sa mga mata nati'y maliit lamang o walan gaanong halaga.

1:38 AM  
Blogger Diego said...

dude, if that happend to me i would do the same... be a chicken and be scared. hahaha

9:43 PM  

Post a Comment

<< Home