Monday, January 25, 2010
*Ang textong ito ay unang naipahayang sa Multiply ng may-akda noon nakaraang Huwebes Santo*
Nang makuha namin ang aming makakain, naupo kami sa isang lamesa na kung saan ang katabi ng lamesa ay ang pader na salamin na kung saan kita ang parking lot ng mcdo.
Kalagitnaan ng aming pagkain ay may dalawang bata na madungis na lumapit sa amin at kumakatok sa salamin at humihingi ng pagkain. Tila hindi ako makakain ng maayos sa tuwing nasisilayan ko ang mga katulad nila na nakatingin sa aking pagkain habang ako ay nagpapakabusog.
Naawa ang aking ama at binilhan sila ng makakain sa mcdo. Nakita ko sila na kumakain at sumagip sa isipan ko ang pagkumapara sa estado ng buhay nila sa estado ng buhay ko.
Naisip ko noong gabing iyon, "ang swerte ko pa pala... narito ako, may magandang buhay, bihira makaramdam ng gutom dahil sa dami nang makakain, nakakapag-aral sa mga pribadong paaralan, may bahay na inuuwian, may kama na hinihigaan at suportado ang luho dahil sa pagkakaroon ng pera... ngunit nariyan sila, kuntento na sa pagkain ng kanilang chicken mcdo meal at parang ngayon lang sila nakatikim ng tunay na fried chicken na wala pang kagat"
ANG SWERTE KO PA PALA....
0 Comments:
Post a Comment
<< Home