Saturday, March 19, 2005

Finally..the end has come

Sa wakas ay natapos na rin ang school year at gaya nga ng sinabi ko sa last post ko, di na ako makapag anatay na matapos na ang school year.

Kanina lang ay last day namin. Nagsamasama kame ng barkada ko sa Greenhills. Nag counter strike lang kame doon at matapos maglaro ay nagikot ikot kame. Natatanaw ko ang OB Montessori mula sa lugar kung saan kme umiikot.

At that time, daladala ko ang dati kong id sa OB. Napag isipan ko na umalis muna sa grupo at pumunta at magparamdam sa OB.

Pumasok na ako sa OB at kilala pa rin ako ng mga guards doon. Pinapasok ako. Konti nalng mga tao sa OB dahil hapon na e.

Nakita ko ilan sa mga kaklase at mga kaibigan ko dti nung don pa ako nagaaral.

Inaamin ko na naiingit ako sa kanila dahil maganda buhay nila sa ob di tulad ng buhay ko sa Don Bosco.

So yun lang....happy vacation to all

Sunday, March 06, 2005

Don Bosco Confressions

Malapit na matapos ang school year at sinasabi ko sa inyo na gusto ko na matapos to.
Simula na ng nagaral akosa Don Bosco, akala ko maganda, akala ko mabait yung mga tao, at akala ko din na maganda dito. Pero wala e. Para bang may nagsabi skn ng "akala mo lang yun!". Mula ng nagaral ako, wala na tong nabigyan kundi sakit ng ulo at pangaasar ng mga kaklase.
Namimiss ko na yung dati kong school sa OB Montessori. At least dun, maganda, mababait yung mga tao, may respecto at madami akong kaibigan. Pero sa Don Bosco naging masama. Kabaliktaran ang nangyayari sakin.
Di naman sa pagyayabang pero, sa OB matalino ako pero ngayon sa Don Bosco wala na ako, naging sabaw. Dati sa OB rank 9 ako. palagi nasa top ten pero ano na nangyari sakin??? naging Top 24 p***** i*** buhay to !!!!!!!!
Dati sa OB, bihira ako bumagsak. Kahit kaylan di pa ako bumabagsak sa mga exam. Sa Don Bosco ko nga nakuha ang una kong bagsak sa exams e.
Kaya lang naman ako nagaral dito dahil sinabi ng tatay ko. Kung pwede lang nga babaik ako ng OB e. Pero hinde e.
Dito nagaral kase tatay ko nung highschool din sya. Ako na nga daw ang 7th bosconian sa pamilya namin e.
Pasensya na kung ganito lang masasabi ko sa Don Bosco, pero yan talaga nararamdaman ko e.
Sori sa mga bosconians na nagbabasa nga blog ko. pasensya na kung ganyan ang nararamdaman ko sa school natin.