Saturday, February 26, 2005

CEM Test Cheating

Kahapon ay CEM Test namin ito yung bibigyan kame ng test ng mga tao na taga CEM. Ang test sa CEM ay 1st yr. Algebra pero yung ibang mga tanong ay di pa natuturo samin. Nung umpisa ng test ay madali lang pero habang tumatagal lanong humihirap.

Halos lahat ng klase ay nagkopyahan pati ako. Ako yung kinopyahan at nangongopya.

Bago kase magtest may agreement kami ng kaibigan ko na kopyahan kame sa CEM. Tapos yun natuloy nga. Yung nagbabantay samin na teacher nakaupo lang halos kaya kopyahan na lahat. Kahit mga matatalino ay nagkokopyahan. Kahit yung Rank 1 sa buong 1st year nangopya!

Halos lahat ng sagot ko sa Test na yun ay galing sa kopya. Ako yung nangopya at nagpakopya.

Swerte ko nga dahil matalino yung nakatabi ko kaya pinapakopya ako at pinapakopya ko siya.

So yun lang.

Kung sakaling pumasa ako sa Test na yun ay pumasa lang ako dahil sa kopya.

God forgive me for what I've done. Have mercy on my soul

Thursday, February 17, 2005

patay kong aso na napaginipan ko kagabi

Isang nakakatakot na panaginip ang dumalaw sakin kagabi ng Febuary 17, 2005. Ang aso ko na si "imoy" ay kasama ko sa panaginip ko.

Eto nangyari naglalaro kami at nagtatakbuhan, he was my best friend next to my human friends. Araw araw naglalaro kami at yung ang napaginipan ko. Nasa garahe at naglalaro ng bola tapos napagod na kame at nagpahinga. Nung umupo ako, lumapit siya sakin at pinatong niya yung kamay niya sa tuhod ko. Hinimashimas ko siya sa ulo tapos bigla siyang inubo at nagsuka sa harapan ko. Sa panaginip na to di naman ako nasukahan. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig. Ako lang tao sa bahay, kaya walang tumulong sakin. Pagbalik ko ay nakahiga na siya at di na humihinga. Naisip ko kagad na patay na siya kaya napaluha ako hanggang sa umiyak. Inisip ko na ilagay siya sa isang sako kaya kumuha ako ng sako sa kusina namin. Habang pabalik ako sa garahe, may nag flash na liwanag at sa sobrang liwanag wala na akong nakita. Yung liwanag ay parang flash ng camera. Tumakbo ako sa garahe para makita kung ako yun. Nasisilaw ako sa liwanag. pagdating ko, tumingin ako sa itaas at may liwanag na mas maliwanag. Tapos nakita ko ang isang lalaki na nakpuite na nasa tabi ng aso ko. Tumingin siya sakin at ngumiti. Di na ko makapagsalita dahil sa takot. Lumapit siya sakin at sinabi, "tignan mo" so yun tumingin ako sa aso ko. Tapos biglang nabuhay ulit. Tapos sinabi niya sakin na, "babantayan ka niya san ka man pumunta. Wag ka magalala". Tapos lumapit ako sa aso ko at hinawakan ko siya. Pagkahawak ko, naging usok na puti siya. Tapos yung usok, umakyat dun sa liwanag na malaki. Pag tingin ko sa lalaki, nawala na din. Tapos biglang nagising nalng ako. Panaginip lang pala iyon.
Nasa inyo na kung maniniwala kayo o hindi basta sinabi ko lang ang nangyari
Namatay aso ko nung mga November of 2004. Siguro totoo nga na binabantayan ako.

Saturday, February 12, 2005

Stations of the Cross

Kagabi ng 7:oo pm ay nagserve ako sa simbahan. Anniversary din ng pagkapari ni Fr. Bong Villalobos, so yun na nagserve na ako. Matagal bago matapos yung misa dahil madami pang pina salamatan si Fr. Bong. So after non nagdasal kami sa office ng Latin (lagi namin to ginagawa before and after serving) so yun. Tapos ay lumabas kme ng simbahan. Inabot sakin ang processional candles (eto yung malaking kandila na ginagamit sa mga prusisyon). naglakad na kme pababa ng 18th ave. Pagkatawid namin sa P. Tuazon nagmadali kme dahil madaming kotse ang naghihintay. Natuluan din ang sutana ko dito.
Nasa area 4 na kme at nagsimula na ang stations of the cross. Papunta na kame sa area 4 habang nagrorosary ang mga tao sa likod namin. Sa mga oras na ito, uhaw na uhaw na ako. As in gusto ko na uminom. Pero hindi!!! Tiniis ko uhaw ko. Nasa First station na kame. Nagdasal kame hanggang sa last station. 8:00pm nagsimula ang stations of the cross. At naatapos naman ng mga bandang 10:15pm. Walang pari habang nagiistations of the cross kaya si Kuya Dave nalang ang tumayo sa posisyon ng pari. Umuwi na kme.
Pagdating ko sa bahay, hindi muna ako kumain dahil Friday ngayon (fasting and abstinence).
Pumunta ako sa parents ko at nadatnan ko mom ko na nakayakap sa dad ko kaya pumasok sa isip ko na "siguro nagusap sila kaya nagbati na". So yun, naligo ako kagad para mawala ang pagod ko. Nagdasal ako hanggang sa makatulog ako.

Wednesday, February 09, 2005

ano ba yan!!! bati tapos away....bati tapos away... wala nang katapusan

Hindi ko na sila maintindihan. Parati nalang ganito.

Parents ko kase e, lagi nalang nagaaway. Di na ito natapos, matagal na problema kase ito e. 1999 pa nag simula ito pero since bata pa ako non at inoccente pa, wala pa akong pakielam noon. Pero yung ate ko alam nya ang nangyari back in 1999. Tapos ito nanaman, nangyari ulit. In the years 2004 and up to this year nangyayari ang lahat. Nag away sila dahil sa isang babae na malandi at pumapatol sa mga may asawa. Yun ang sabi ng mommy ko. Ang alam ko kase ang babae na yun ay dating secretary ng dad ko nung nsa vitarich pa siya. So yun, nagaaway sila at di nagpapansinan. Di nga naguusap e, gustuhin ko man na magusap sila at magbati, di ko magagawa yun kse d rin ako pakikingan e. Sana magbati sila dahil kame din dalawa ng ate ko ang naapektohan.
Wala akong magagawa kundi ang dasalan ko nalng sila. Well yun naman talaga ginagawa ko pag may problema o wala e.

Sunday, February 06, 2005

Lonely afternoon

Its my birthday today which is Febuary 5. No one is in the house except for our maid cleaning the house and me.

My mom, dad, lola, lolo and ate went to a wedding of our neighbor. Since I have nothing to do and all my assignements are complete, I might as well post a blog.

Its 2:04 in the afternoon and my parents left 2 hours ago and I feel sleepy but I dont want to sleep cause I dont feel like it.

Its my birthday and as for now, no one bought me a gift, not even a birthday card (kahit bond paper na tinupi at nilagyan ng happy birthday, WALA NI ISA). Even my parents did not give me something. I woke up this morning and the first thing I saw is my parents faces beside my bed. I think they waited for me to wake up. The first thing they said to me is "happy birthday". We went down and ate breakfast.

Angelo my fellow altar server called me up and said to me to be in the church for some urgent meeting. I really want togo but my parents are againts me, they dont want me to go. They want me to enjoy my birthday, but little did they know that only when i'm in the church I get happy. I talked to them but they still dont want me to go. I only got a little patience in my head, and after a few minutes its all gone, my patience is gone. I went up to my room and got sad for a while until I fell asleep. I woke up for lunch. I got down and ate lunch. After this I went to the computer to do this blog. I did not even said goodbye to my parents who will leave for the wedding.

My sister is still not here from work. And i hope she still remembers my birthday today and i do hope that she will give me something. Kahit na card, kahit na bond paper na tinupi at nilagyan ng happy b-day. Sana meron.

Sana lang Sana lang

Saturday, February 05, 2005

ang b-day gift ko sa sarili ko

Ilang oras nalng at Febuary 5 na, at ito na ang b-day ko. Teen na po ako in 1 hour kanina pa ako nagiisip kung ano kaya regalo ko sa akin...... at sa wakas nakaisip na ako. Syempre ang gift ko sa sarili ko ang gumawa ng sarili kong blog. So ok na may regalo na ako sa sarili ko.

Nung 1st day ng Febuary, walang nagreet sakin. kahit mga ninang at ninong ko wala e. Ngayon lang ako nagreet. So far ang mga nagreegreet pa lang sa akin ang parents, grandparents, ate ko at mga close friends ko.

2 days ago nang tinanong ako ng ate ko habang nagcocomputer ako. Sinabi muna niya sa akin na siya muna ang gagamit ng computer so ako naman ay nagpauto ay tumayo at siya na ang nagcomputer. Pagkaupo niya ay nagulat ako sa tanong niya. As in hindi ko akalain na magtatanong siya ng ganon. Nagulat ako at kinurot ko sarili ko kung nananaginip lang ako. Tinanong niya sa akin na kung ANO DAW ANG GUSTO KO SA BIRTHDAY KO?? May trabaho na kase e kaya siguro ako tinanong. Kaya sinagot ko na "bahala ka na, lahat naman tatangapin ko e" (naks! ang drama)

Antayin ko nalng ang mangyayari sa birthday ko bukas.