Ang Swerte Ko Pa Pala (Ang Noche Buena)
Muli nanaman sumagip sa aking isipan ang katotohanan na ang swerte ko pa pala. Swerte na ako dahil sa iba’t ibang luho na buhat ng pagkakaroon ng magulang na nakapagtapos ng edukasyon kung kaya’t nabigyan ako ng magandang buhay. Ngayong pasko, naisip ko ang kalagayan ng iba’t ibang maralitang Pilipino na walang makain at walang tahanan.
Naisip ko ang kalagayan ng kanilang pasko.
Naisip ko kung ano ang kanilang handa sa Noche Buena.
Naisip ko kung saan nila ipinagdiriwang ang pasko.
Tila sa bawat paglalakbay na aking tinatahak mula sa silid-aralan hanggang sa aming tahanan nakikita ko ang iba’t ibang uri ng Pilipino na mula sa mayaman hanggang sa mga walang makain. Sumagip sa isipan ko habang ipinagdiriwa ang misa sa pasko ang kanilang kalagayan. Naisip ko kung ang pasko ba nila ay kasing saya ng pasko na aking dinadanas bawat taon.
Naisip ko din kung ano ang kanilang makakain sa Noche Buena at kung mayroon nga silang makakain.
Hindi ko na isasalarawan sa mga salita ang aking nakikita dahil alam ko na nakikita mo rin sila. Sa halip, isasambit ko na lamang ang aking mga nararamdaman…
Ang swerte ko pa pala…
Narito ako, busog na busog buhat ng dami ng nakain ko noong gabi na ipinagdiriwa naming ang pasko.
Narito ako, binibilang ang mga pera na aking nakuha mula sa mga pamasko na bigay ng mga iba’t ibang tao.
Narito ako, binabasa ang mga text messages at e-mails na bumabati sa akin ng maligayang Pasko.
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi mahirap ang makita at ikumpara ang aking kalagayan sa kanila. Hindi natin alam kung nakakain na sila o hindi. Hindi din natin alam kung nabibigyan ng sapat na nutrisyon ang bata na buhat-buhat nila sa tuwing sila ay humihingi ng limos. Hindi din natin alam kung nakaligo na sila. Nilalamig ako ngayon at nakabalot sa makapal na kumot. Naisip ko din kung paano nila nilalabanan ang lamig na buhat ng panahon.
Hanggang isip at dasal lamang ang aking magagawa.
Muli nanaman sumagip sa isipan ko na ang swerte ko pa pala.